Kapag naglalaro ng tagu-taguan ang mga bata, kung sino ang unang sumuko ay siyang talo. Kapag sa marathon, kung sino ang huminto sa pagtakbo ay hindi makakamit ang premyo. Kapag mahaba ang pila sa jeep at tirik na tirik ang araw, kung sino ang sisilong ay siyang maagawan. Si Shafiera Sandoval ay walang pakialam dito dahil siya ang taong hindi marunong magtiis. Mabilis siyang sumuko kapag alam niyang malapit na siyang matalo. Ayaw niya kasi ng baka sakali, ng di tiyak at ng kahit anong bagay na walang kasiguraduhan. But what about now that she fell in love with her best friend, Ruan Augustus Ferrer? Ano ang gagawin niya ngayong papasukin niya ang bagay na punong puno ng hindi kasiguraduhan- ang mundo ng pagibig? Will she take the challenge or will she give up and just end the day? Para ito sa iyo na hindi marunong magtiis. Sandoval Series #1 | Filipino Novel