"You fell?"
Wala akong narinig kundi ang mumunting pagpatak ng ulan mula sa labas.
Hindi na niya sinagot ang tanong ko. Gaya noong simula, tingin ko'y wala na siyang pake.
May takot at dahan dahan kong nilingon ang kanyang pigura... madilim, madilim siya. There has been no trace of reaction at all.
"You fell? Y-you..."
Hindi ko naintindihan kung kaya't inulit ko ito sa kanya.
Looking calm as ever, ilang hakbang papalayo ang kanyang ginawa bago ako tinalikuran.
Iyan ba ang nagagawa ng pagpapaiyak sa asawa? Lumalakad palayo? I wanted to shout at him.
"Nahulog ka? Nahulog ka? Ano! Sagutin mo!"
Sa galit ay hinila ko ang kumot at ibinato sa kanya. We have just finished sharing a steamy night. I'm still half naked, tapos ito ang ibubungad niyang papeles sa akin?
What was last night for, then? Goodbye sex?
Isang malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan. Mabilis at walang pag-aalinlangan itong humarap sa akin.
Tila naghahanap ako ng kahit anong bakas na magpapakitang nagbibiro lang siya... na kagaya ng dati ay yayakapin niya ako nang mahigpit at tatawanan dahil naniwala na naman ako sa "silly jokes" niya.
But still, he is just so calm. He looks unaffected. He even seems... at peace.
How can you be so calm! You've just given me our divorce papers! We're married for years, how can you be this calm!
Nangibabaw ang katahimikan, ngunit sandali lamang ang lumipas nang basagin niya ito, nang basagin niya ako.
"I fell out of love, Adelaide."
---
Looking at the papers, hindi ko inasahan na ganito pala ito kadaling mapawalang bisa.
Pitong taon.
Sayang...
ang pagod, pera, oras, pagtitiis.
Kung hindi lang din hanggang dulo...
Bakit pa tumagal?