''Crush'' Nakita kita Naglalakad sa kalsada Agad akong umiwas ng tingin Baka kasi bigla kita angkinin Tinitignan kita Sa bawat kilos na iyong ginagawa Baka kasi malibang lang ako May iba ka ng gusto Di ko alam kung bakit Ako'y naaakit Sayong mga ngiti Na lalo ka nagiging pogi Alam ko naman Na hindi ka magiging akin kailanman At hindi ako ang iyong nagugustohan Dahil ang aking kaibigan ang iyong napupusuan Masaya ako Para sa inyo Kasi alam ko Na hindi ako ang nakatadhana para sayo