Si Thea ay isang simpleng dalaga. Beauty daw (kung tititigan at brainy din naman daw sana kung ginagamit ang utak na kadalasan daw ay hindi) Wala naman siyang pakialam sa sinasabi ng iba. Ang mahalaga ay masaya siya at ang mga tao sa paligid niya. Si Russ ay ang guwapo, seryoso, matalino, at super sa sungit na Mayor ng Santo Cristo. Labag sa kalooban niya ang pagtakbo sa pulitika. Wala siyang kahilig-hilig dito. Ngunit dahil hiling ng kanyang Lolo ay pumayag siya at pinalad namang manalo. Kahit labag sa loob niya ay gagawin niya ang lahat upang magampanan ang tungkulin. Sa lahat ng ayaw niya ay iyong mga taong inefficient, happy-go-lucky, brainless, thoughtless etc... Magku-krus ang landas ng dalawang taong ang personalidad ay tulad ng sa gabi at araw, init at lamig, langis at tubig. Their personalities are opposite in every way possible. Ano kaya ang mangyayari pag ang dalawa ay nagkakilala at nagsama sa isang istorya? Saksihan ang kanilang tagisan..este... istorya na magaganap sa bayan ng Santo Cristo, isang maliit at maunlad na bayan sa dulong bahagi ng Luzon (wag n'yo na lang hahanapin sa mapa sapagkat hindi n'yo makikita) :) :) :)
48 parts