Tiburcio Verson Henares II grew up in a religious family. Bata palang siya alam na niya na magpapari siya paglaki niya. Napakabait at parag ni hindi man lang siya makagawa ng kasalanan. Perpektong anak at perpektong pari kumbaga. Ayos na sana ang lahat. Umayon sa plano na papasok siya ng seminaryo dahil suportado naman siya ng pamilya niya sa mga desisyon niya sa buhay. Pero biglang dumating ang isang gabi na hindi niya makakalimutan. Ang gabi na una siyang magkakasala. Ang gabing magkakasala siya sa isang babaeng, siya ring mas makasalanan.