Never pa akong na-inlove sa isang lalaki dahil sabi nila mommy, dapat studies first muna, tsaka na yang boylet na yan. Pero merong isang lalaki ang nakapag-patibok ng puso ko, pero hindi ko alam kung seryoso ba sya sakin o pinapaasa nya lang ako. Hindi madaling umibig sa isang taong paasa. Yung tipong ang sweet nya sayo sobra-sobra, he's concerned sa mga ginagawa mo, yung tipong "'wag ganyan, dapat ganito", "lagi kang mag-iingat, kapag may problema ka nandito lang ako". Minsan nga, mas nagmumukha pa syang magulang kesa sa mga magulang mo, magagalit sya kapag maikli ang suot mo at mas magagalit sya kapag umalis kang mag-isa sa bahay nyo. Hays, ang hirap hirap hiraaaaaap! Wala namang label masyadong mapagpanggap. May patutunguhan kaya ang mga ito sa bandang huli?
Ako si Galilah Halsey Ianna Alfonso, 18. They called me Iya or Lilah. Basahin ang laman ng aking diary at alamin kung paano ko malalagpasan ang pagiging brokenhearted.