ONE MONTH AGO, Miladel was involved in an accident. Since that day she can hear and feel ghosts, and also mythical creatures. Nang magpunta sila ng kanyang ina sa albularyo ay nalaman nilang bumukas pala ang kanyang third eye.
Isang araw, habang nasa isang kilalang coffee shop kasama ang kaibigan ay mayroong nakabangga si Miladel na binata. Nang tignan niya ito ay namangha siya. The guy infront of her is like a perfect statue.
Kasing puti ng gatas ang kulay nito, may bilugang mukha, kulay tsokolateng mga mata, light brown na buhok, matangos na ilong at manipis ngunit mapupulang mga labi. He's wearing a white camiso de chino and white pants and shoes, dahilan upang mas lalo pang umangat ang ka-putian at ka-guwapuhan ng binata.
HIS NAME WAS RAZOR, who was brutally murdered by four men. They killed him with a gunshot. When Razor meets Miladel, he discovers that she has the ability to see him. Dahilan upang kulitin ng binata ang dalaga na tulungan siya.
Pero tila ayaw pumayag ng dalaga, kung kaya't noong mangailangan ito ng pera ay sinamantala iyon ni Razor. Inalok niya ng malaking halaga ang dalaga, bukod doon ay may extra service pang kasama. Ano iyon? He will pleasure her. He will make her night changes.
YGNACIA ESCONDIDO (HIDDEN YGNACIA) BOOK 1: SYMLA, ANG ITIM NA SANTA
57 parts Complete
57 parts
Complete
DISCLAIMER: THIS STORY WAS PUBLISHED BY PRECIOUS HEARTS ROMANCE UNDER PHR GOTHIC IMPRINT. THIS IS UNEDITED VERSION.
STATUS: COMPLETED ❤️
❤️TEASER❤️
"Hindi naman dahilan ang igsi o tagal ng panahon kung kailan natin puwedeng sabihing gusto natin ang isang tao. Basta ang alam ko, masaya ako kapag nakikita at nakakasama ka."
Itinuring na santa ng mga bampira si Symla nang malaman nila na maaari siyang magkaanak. Dahil doon ay itinago siya ng kanyang mga kalahi. Siya raw ang pag-asa ng mga bampirang magpapatuloy ng kanilang lahi. Nauubos sila dahil sa digmaan laban sa mga lobo. Nalaman ng mga lobo ang kanyang kapangyarihan at sa huli'y naging bihag si Symla ni Amado Estacion, ang suwail na prinsipe ng mga lobo.
Kailangan daw siya ni Amado dahil sa mga plano nito at kapag nakuha na ang gusto ay papatayin din siya. Pero hindi sinasadyang nahulog ang loob niya kay Amado.
Kahit anong pigil niya ay nauwi sa pagmamahal ang pagkamuhi niya dahil sa natuklasang ugali nito. Dama niya sa mga halik at haplos nito sa kanyang katawan na maaaring mabuhay ang init sa kanyang puso. Pero isa iyong malaking kalokohan.
Isa siyang bampira at isa itong lobo. Mayroon bang nagkakatuluyang nilalang na tulad nila? Isa pa, mayroong nakaatang na obligasyon ang buong angkan sa kanya. Alin ang pipiliin ni Symla? Si Amado o ang mga kalahi?