Phr Book Imprint Published In 2007 "Sabi mo walang matinong babae na mambabasted sa akin. Kapag niligawan pala kita, sigurado na sasagutin mo 'ko?" Sharon thought that the gorgeous Pal Godinez would be handed to her as easily as on a silver platter. Dahil walang nililigawan ito at wala ring girlfriend. Sino pa ba ang kokontra kung susubukan niya na paibigin ito? She was a woman who knew what she wanted. And definitely she would get it. Noon iyon. Noong hindi pa niya natutuklasan na bilanggo pala si Pal ng pag-ibig nito sa isang babae. Sa kabila niyon ay sumubok pa rin siya na paibigin ito. Nagtagumpay naman siya. Iyon ang akala niya. Hanggang isang gabi na muntik nang may mangyari sa kanila ay bigla na lang itong tumigil. "I'm sorry, Sharon... I-I cannot make love to you pretending it's you I love when... w-when all along I've been thinking of her." Daig pa ni Sharon ang sinampal. Pero siguro nga labis ang paniniwala niya na si Pal ang destiny niya kaya ipinaglaban pa rin niya ang pag-ibig dito. Sino kaya ang unang susuko sa kanila?All Rights Reserved