Sabi nila, ang kasal daw ang pinakamahalagang pangyayari sa dalawang taong nagmamahalan. Tama nga naman dahil ito ay sagrado. Ibig sabihin, ang pinagsama ng Panginoon ay hindi puwedeng paghiwalayin ng tao. Ngunit, paano kung ang pinakahihintay na araw ay ang araw na kailanma'y hindi gugustuhing maalala?