Magbestfriend si Angelle at Mikhael simula pagkabata. Si Mikhael ang nag-iisang taong nakakaintindi at nagpapasaya sa kanya. Walang araw na hindi siya nito pinapasaya. Kapag nasasaktan siya sa ginagawa sa kanya ng kaniyang pamilya, si Mikhael ang dumaramay sa kanya. Hanggang sa isang araw ay bigla na lamang itong nawala ng parang bula. Labis na nasaktan ang dalaga, naging mag-isa siya at walang masabihan sa nararamdaman niya. Makalipas ang ilang taon ay bumalik ang binata. Hindi naging madali para sa dalaga ang nangyari sa nakaraan. Labis siyang nasaktan at hindi niya alam kung mapapatawad niya pa ang binata sa ginawa nitong pag-iwan sa kanya. Mapapatawad kaya niya ang kaniyang bestfriend?