More Than Anyone - Published under PHR
  • Reads 105,499
  • Votes 1,761
  • Parts 13
  • Reads 105,499
  • Votes 1,761
  • Parts 13
Complete, First published Jun 25, 2018
Para makasiguro ang kuya ni Kate na hindi na muling makikipag-date sa lalaking hindi nito gusto para sa kanya, pinakiusapan ng kuya niya ang best friend nitong si Jay-Jay na bantayan siya. 
	Lingid sa kaalaman ng lahat, dating nakarelasyon ni Kate si Jay-Jay. Kaya lang ay nauwi iyon sa hiwalayan nang magpunta ang binata sa ibang bansa at maging abala sa training bilang paghahanda sa paghawak sa kompanya ng pamilya nito. Pero nagbitiw naman ng pangako si Jay-Jay na babalikan siya at liligawang muli. Tumupad naman ito sa pangako kaya muling ipinagkatiwala ni Kate ang kanyang puso. 
	Pero sinubok ang tatag ng kanilang relasyon nang may umeksenang babae at mahuli niya sa isang compromising na eksena ang dalawa. Walang pagdadalawang-isip na hiniwalayan niya si Jay-Jay at hindi pinakinggan ang paliwanag nito.
	Sa huli, napag-isip-isip ni Kate na bigyan ng chance si Jay-Jay. Pero hindi na ito sumubok na makipag-reconcile sa kanya.
	Hahayaan na lang ba niyang tuluyang mawala si Jay-Jay sa buhay niya?
All Rights Reserved
Sign up to add More Than Anyone - Published under PHR to your library and receive updates
or
#53kiligmoments
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 10
MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED) cover
THE MAN IN GREEN UNIFORM (Montenegro Series #3) cover
Cupid's Trick cover
❤A Promise of Love (COMPLETED - Published under PHR) cover
Hello Again, My One and Only (Published under Precious Hearts Romances) cover
WAY BACK TO YOU cover
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap cover
One-Week Date Project cover
Ain't No Other cover
Soon, I'll Find You cover

MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED)

39 parts Complete

"Kahit kailan, hindi naging mali ang magmahal. Maaaring magmamahal tayo ng maling tao, o magmamahal sa maling pagkakataon, pero kahit kailan ay hindi naging mali ang pagmamahal." Si Samantha ay fresh out of college at nagtapos ng MassCom. Isang TV station lang ang gusto niyang pagtrabahuhan kung saan doon nagtatrabaho ang idol niyang si Anthony. Si Anthony de Dios ang sikat na host ng isang kilalang morning show sa TV. Tall, dark, handsome, pinagpapantasyahan ng maraming chicks, at ngayo'y may "sex video" scandal. Pero, bale-wala iyon kay Samantha. Hindi siya naaapektuhan. "Idol, 'wag kang makikinig sa sasabihin ng iba. 'Wag kang mag-alala! Kahit ano pang kontrobersiya ang kasangkutan mo, ikaw pa rin ang idol ko! Handa akong ipagtanggol ka sa mga mang-aapi sa 'yo!" Ganyan ka-dedicated si Samantha kay Anthony dahil alam niya, at sigurado siya, na sila ang nakatadhana para sa isa't isa. At ngayong naging trainee na siya sa mismong TV show ng lalaki, gagawin niya ang lahat para maging boyfriend si Anthony. Pero hindi pala gano'n kadaling mahalin ang isang Anthony de Dios, dahil bukod sa nakasalalay ang puso niya (na maaaring masaktan), may nagtatangka na rin sa buhay niya dahil sa pakikipaglapit niya sa binata.