Si Arabella ay lumaking pangit hindi lang lumaki,nagka edad na pangit parin ngunit taglay niya ang kayamanan at ang mala porselanang kutis .Ulila na siya at alam na alam niyang wala na talaga siyang pag asang gumanda pa dahil ultimo ang kanyang salapi ay hindi siya kayang tulungan.Isa na lang ang naiisip niyang paraan.Gayuma! Sa isang malayong lugar ay may isang lalaking nag ngangalang Rigor.Isang mangingisda.Nasa kanya na ang ilang bagay maliban sa pera.Kahit na ganoon ay marami parin ang nahuhumaling sa kanya ngunit ang lugar ng San Sebastian ay lugar rin ng tulad niyang isang kahig isang tuka. Sa kabila noon ay maprinsipyo siyang tao at kasama na roon ang hindi niya pagpatol sa mga pangit.Isa kasi siyang pihikan at kung mangangarap din lang naman siya,bakit hindi pa sa mayaman at maganda?