Panahong 16's nabuo ang sigalot sa pagitan ng mga BLACK SORCERERS at VAMPIRES. Nagsimula ito sa Pagpatay nii HELENA SCARLET na isang BLACK SORCERER sa sarili nyang mga magulang, matapus ituro sa kanya ang book of spell ng mga black sorcerers. Pinatay nya ang mga magulang nya para makuha ang trono at sya na ang mamuno sa buong WITCH SOCIETY. Nagtagumpay sya sa kanyang mithiin na mapasailalim sa kanyang kapangyarihan ang witch society. Ngunit hindi nakontento sii Helena. Ninais nya ding masakop ang lahat ng lahi. Sinimulan nyang patayin ang mga pinino ng mga ibang lahi sa underworld, kabilang dito ang pinang mulan ng mga Vampires. Nalaman nya kung paano mapapatay ang LORD o REVENANT Vampires. Inisa-isa nya ang mga Revenant kaya naman nagkaroon ng kabi-kabilang labanan. Sa kanyang huling laban sa huling Revenant ay nakagat sya ng revenant bago nya pa ito mapatay. Ang mga revenant ay may gagaibang venom sa laway at dugo.Kayang pumatay ng simpleng laway nila at ang dugo naman nila ay papatayin ka sa sakit. Ito ang naging sanhi ng pagkamatay nii Helena. Napilay ang witch society dahil sa pagkawala nii Helena, ganoon din naman ang Vampire society dahil sa pagkawala ng huling Revenant. Nagkaroon ng tapatang lakas sa pagitan ng dalawang grupo. Ipagpapatuloy pa sana ang labanan pero lumitaw ang ALLY ORGANISATION. Organisasyong binubuo ng mga White witches, Vampire hunters at crusaders. Hindi layun ng organisasyong ito ang ubusin ang mga witches at vampires. Layun nito ang maging payapa at mahinto na ang sigalut sa pagitan ng mga vampires at witches. Huminto ang digmaan sa pagitan ng dalawang grupo ng ilang dikada. Pero pano kung bumalik sii Helena Scarlet at ipagpatuloy ang nasimulan? Mapipigilan ba ng salitang 'PAG-IBIG'? Ang Pagdanak ng 'DUGO'?
47 parts