Minsan sobrang malaki at maingay ang mundong ginagalawan natin para marinig ang mga bulong ng tadhana, para makita ang mga itinuturo nitong daan dahil sa huli lahat tayo ay pawang maliliit na tuldok lamang. Pero may mga tuldok na magkaiba man ang mundong ginagalawan at kahit pa maligaw, umiwas o lumayo ay sadyang nakatadhanang magkatagpo at pag-isahin dahil ang kanilang mga puso mismo ang magtuturo ng daan patungo sa piling ng isat-isa. Dahil sa dinami-raming tao sa buong mundo, mayroong laging naghihintay na nakalaan para sa'yo. 02.23.20•10.22.20