Kapag nahulog ka sa patibong ng pang-aakit mahirap nang makawala. Kapag tumalon ka sa ere ng walang kasiguraduhang direksyon, maaari kang masira. Walang magliligtas. Lahat ng bagay ay sasalubungin tayo ng paghihirap. Lahat ng bagay ay may kapalit na disgrasya. At kapag nalunod ka sa pag-ibig na alam mong bawal. Kayanin mo pa kayang makahinga?