Hindi ito love story (parang Sid&Aya lang ang peg haha!) Hindi ito nakakakilig maliban na lang sa perception mo bilang reader. Hindi ito yung tipong kapupulutan ng aral kasi ginawa ko'to habang umiinom ng San Mig Apple kasama ang kaibigan kong nag-eemote dahil LQ sila ng bf n'ya. Sa kabila ng mga hindi na nabanggit ko ay narito ang mga oo sa kuwentong ito: Oo, nakakatakot ito (first time kong magsusulat ng horror story). Oo may mystery effect ang ilan sa mga bahagi nito. Oo, gusto kong matakot ka gaya ko. Ilan sa mga pangyayari ay kathang isip ko lamang pero marami ang nangyari sa tunay ma buhay.