Sabi nga nila ang crush ay isang paghanga sa isang tao pero para sakin hindi lang basta basta paghanga ito. Simula nang nakita ko siya, masasabi kong crush ko na sya mula noon pero hindi ko inakalang lalalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya, hindi ko inakalang aabot ito sa love. Nagkaroon naman ako ng mga crush na umabot pa hanggang tatlong taon pero hindi naman ito nauwi sa love. Pero sa kanya wala pang taon na naging crush ko siya at habang tumatagal alam kong hindi na lang crush ang nararamdaman ko. Alam kong hindi siya mapapasa akin pero umaasa pa rin akong maging akin siya.