"Di lahat ng nakaraan ay kaylangan nating kalimutan. Minsan ang nakaraan ang daan upang maintindihan ang iyong hinaharap na kalagayan. Ito ang magbibigay linaw kung bakit tayo nagtagpong muli at kung bakit tayo binigyan ng pangalawang pagkakataon ng mga Moirai." Sagot ko sa tanong nya. Halos di maipinta ang kanyang ekspresyon sa mukha. Tila ba ayaw paniwalaan ang aking mga sinabi. "Totoo ba ang lahat ng ating nakikita?" Tanong nya sakin na may bahid na pagdududa. "Oo. Lahat ng mga imaheng ating nakikita ay pawang katotohanan iyon. Nasasayo kung ipagpapatuloy ang minsang natuldukan ngunit dinugtungan o ang lalayo sakin ng hakbang at tuluyang kalimutan ang lahat." Masakit sabihin ang mga salitang yun pero kinakailangan. Minsan sa pag-ibig kaylangan mong mamili; ang manatili sa kanyang piling kahit nasasaktan ka o ang palayain sya kahit nasasaktan ka. Ika nga nila 'No Pain. No Gain.' Tumalikod ang lalaking mahal ko at napasakasakit sakin dahil handa akong makipaglaban pero sya na ang sumuko. Isa. Dalawa.. Tatlong hakbang... Sa bawat hakbang nya, ay para bang isang dagok ng mga asteroids ang tumatama sakin. "Paalam!" Huli kong salita bago ako nagsimulang lisanin ang kinatatayuan ko. -xxx- WARNING ⚠️ PLAGIARISM IS A CRIME AND IS PUNISHABLE BY LAW. Written by: KYE KYE x JED JED
5 parts