Magkaedad, magkasamang lumaki at nagkaisip. Naging magbestfriend tulad ng kanilang mga magulang. Hanggang magsixteen kung saan umusbong ang nararamdaman para sa isa't isa at naging magkasintahan. Sa edad na eighteen nagdesisyon silang magpakasal na ikinagulat ng kanilang mga magulang pero agad din pinagsang ayunan. Lahat ng tao sa paligid ineexpect na sila din ang magkakatuluyan. Hindi maikakaila ang saya na kanilang nararamdaman pagkatapos ikasal at sa tingin nila nahanap na nila ang soulmate nila sa isa't isa. Pero paano kung sa dalawang taon palang nagpagsasama ay sinubok na agad ang kanilang pagmamahalan? Nahiwalay sa isa't isa dahil sa pangyayari sa buhay. Sa paglipas ng taon muling pinagtagpo ng tadhana. Meron pa bang pag-asang magkabalikan o mauuwi ang lahat sa hiwalayan? Could your Young Love be your true love or is it just a puppy love?