I'm not stalking you. I'm JUST missing you. At kung pwede ko lang isigaw sa buong mundo ang lahat nararamdaman ko, pinakauna na dun ay ang NASASAKTAN AKO! Talaga nga lang siguro na dalawang klase lang ang tao. Yung PAASA at UMAASA. Yung may NANGANGAKO kaya may NAGHIHINTAY. Isa rin sa pinakagusto kong itanong... bakit kailangan mo pang dumating sa buhay ko kung sasaktan mo lang naman pala ako? Iniangat mo ako sa lupa at tinuruan mo ako kung paano lumipad. Yes tinuruan mo lang akong lumipad, pero hindi mo itinuro sa 'kin kung paano ang tamang paglapag. Kaya noong iniwan mo ako sa ere, bumulusok ako nang mag isa at sobrang sakit ng pagkakalagapak ko lalo na at sa putik at ebak pa ng baboy nasubsob tong pagmumukha kong maganda! Bakit ba sa isang iglap hindi mo na ako kilala? Bakit ba? Sana nga ay may amnesia ka lang. Matatanggap ko pa yun dahil alam kong makikilala pa rin naman ako ng puso mo. Pero HINDI! Puso mo na nga talaga ang nakalimot. Minahal kita at ngayon MAHAL PA RIN KITA! Siguro nga ganun lang talaga ako kabobo gaya ng pagkakakilala mo sa 'kin para hindi ko maintindihan kung bakit AYAW mo na at kung bakit dati ako ang MUNDO MO pero ngayon nangibang PLANETA ka na! Siguro nga ay ganun din ako kabulag para hindi makita na HINDI AKO ang TUNAY na mahal mo kundi SIYA! Na NILANDI mo na muna ako kasi magkaaway pa kayo ng taong mahal mo talaga. Above all, I regret meeting you! I regret knowing you! And I regret FALLING INLOVE with you!! Hi!! I'm Laurice Alonzo! And this is my story! :)All Rights Reserved