Mahal babalik ka pa ba? Para naman malaman ko kung hanggang kailan ko kailangan magintay Mawawala ka na ba talaga? Nawalan na ng gana ang tadhana Ang mga masasayang umaga nating dalawa Napalitan na ng tamlay sa iyong mga mata Hahabulin kita at hindi pakakawalan pa Pero mahal, nakakapagod din palang maghabol Hindi ko alam kung babalik pa ba talaga yung dating ikaw Pagod na pagod na ko Hindi na malaman ng luha ko saan sya aagos Iniwanan mo kong magisa At pangako ng pagbabalik Ang mga pangakong ating binitawan Hindi ko alam kung ating pa bang maisasakatuparan Titiisin ko na kahit paulit-ulit Ngingiti sa mga luhang gumuhuhit Wag mo lang masulyapan ang dulo Ang dulo na kinatatakutan ko Ang dulo kung saan lilisanin mo na ko Mahal huwag Masakit para saakin na ikaw palayain Ngunit ikaw na mismo ang gumagawa ng paraan para akin itong gawin Mahirap kalimutan ang mga alaala ng kahapon Ngunit patuloy na lang ba ako nito igagapos at hindi ako hahayaang umahon. Ang mga luha na aking napiga sa aking mga mata Ay kulang pa sa mag iniwan mong sakit Sa relasyon natin puno ng balakid Hindi ko alam kung pano ito tatapusin Sapagkat alam ko wala naman tayong sinimulan Hindi ko alam kung ako ba'y may karapatan Na habulin ka sa iyong paglisan O manatili na lamang sa aking kinatatayuan Araw araw ko parin binabalikan ang sugat na iniwan mong nakabaon sa puso ko Hindi ko alam kung ang mga ito ba ay maghihilom ng totoo Pipilitin kong buoin ang puso kong pira-piraso Hindi ko alam kung makakayanan ko Pero sisikapin koo. Sisikapin kong tumayo sa aking sariling mga paa Kahit masakit pipilitin ko.All Rights Reserved