Masalimuot. Iyan ang kuwento ng kabataan ni Maxene habang lumalaki sa puder ng kanyang ama. Hindi niya nakayanan ang pang-iinsulto ng agwela sa kanyang ina matapos nitong mamatay sa isang aksidente, idagdag pa ang ilang beses na pambababae ng kanyang ama kaya naman naging sukdulan na ang galit niya para sa itinuring na pamilya. Years later, ang pamilyang isinumpa niya ay ngayon nangangailangan ng tulong niya. Nagbabanta ang kanyang tiyahin na si Isabelle na ibenta kay Don Pascual Peñafranco ang buong hasyenda kung hindi siya uuwi at tutulungan itong muling paunlarin. Labag man sa kalooban ay umuwi si Maxene upang gampanan ang tungkuling ipinamumukha ng tiyahin. Ngunit sa kanyang pamamalagi, natuklasan niya ang isang lihim. Lihim na babago sa lahat ng paniniwala niya.... Book covers are not mine. Credits to the owner.