So eto na nga. Kung kailan nauso ang mga 'millennials', nagkaroon ng usap-usapang ibalik ang monarkiya sa Pilipinas. Akalain nyong may ganun pala dito? Naloka is me. Pero wala talaga dun ang concern ko. Ako'y isang mamamayang salat man sa pera ay ginagawa ang lahat, magkaroon lang ng mataas na marka sa eskwelahan. Sayang, kung mayaman lang ako ay naituring na akong 'prodigy'. Kaso oks lang yun. Mag-aaral lang din naman ako kaya tatapusin ko na at makapag-ipon ng pera makaalis lang sa bansang ito na wala nang kinabukasan. Nagulat ako na kaklase ko pala ay isa sa 'dugong bughaw' ng Pilipinas at siya ang 'crowned prince' sa pagkakataong naaprubahan ang pagbabalik ng monarkiya dito. Kaso paano niya mapamumunuan ang bansa ng matiwasay, e kung sa eskwelahan pa lang puro kabulastugan ang pinakikita nya? Plus, makatukso siya sakin e wagas? Oks lang din, di ko naman pinapatulan. Kaso nga, sa isip-isip ko, lalo akong magpupursiging umalis ng Pilipinas kasi lulubog lang ito sa kamay ng 'Prince Bully' na ito. Hindi ko akalaing babaguhin pala ng lalaking ito ang pananaw ko. At... Napagtanto kong kailangan nya ako sa buhay nya, na kailangan ko siya sa buhay ko.
13 parts