Si Neneth Margallo ay kilala bilang nagmula sa isang mayamang pamilya sa La Suerte, ang bayang kauna-unahang napangalanan sa Afortunados. Kaliwa't-kanan ang manliligaw nito at mabibilang sa darili ang mga naging nobyo na galing din sa mayamang pamilya. Kaya naman inaasahan na ng lahat na ang mapapangasawa nito ay nahahanay din sa mataas na estado ng buhay. Ngunit magiging imposible iyon ngayong nakilala nito si Navier, isang dayo na mula sa Manila ay nag-aaral ng grade twelve at siyang security guard din sa paaralan ng La Suerte. Hindi katanggap-tanggap ang pag-iibigan nila para sa lahat. Si Neneth ay maiipit sa dalawang pagpipilian. Ang manatili kay Navier na posibleng ikamatay nito o iwanan ito at palayain? Magiging madali kaya iyon kung sa kaniyang sinapupunan ay may buhay na nagsisimulang umusbong?