Pagkatapos ng mahabang panahon na magkalayo si Kali at ang ate niya,she made a promise to herself na babawi siya rito sa kanilang muling pagsasama. Pero hindi niya inasahan na sa pagbabalik ni Seana ay muling magbabalik din ang alaala ng nakaraan. Nakaraang matagal na niyang ibinaon sa limot. At ngayon ay magiging lamat pa iyon sa samahan nilang magkapatid. Ano ang pipiliin niya sa pagitan ng tama at mali? Susundin ba niyang muli ang tibok ng puso? Pero paano kung ang kaligayahan ng kapatid ang nakasalalay sa pagkakataong ito? Sa huli ay napagtanto ng dalaga na handa siyang gawin lahat para sa kaisa- isang kapatid kahit ang kapalit noon ay habambuhay niyang pagdurusa.