Matapos ang nangyaring malaking pagsabog sa kanilang mundo dahilan upang mawasak ang kanilang kaharian at ang kanyang puso, ginagawa ng bagong hirang na hari na si Atlas ang lahat upang bumalik sa dati nitong ganda ang kanilang mahiwagang kaharian. Ngunit, kahit anong pilit n'yang pagtuonan ito ng pansin, patuloy na nangungulila ang kanyang puso sa babaeng ni katiting ay walang pakialam sa kanya. Paano s'ya makakausad kung ang patuloy na hinahanap ng kanyang puso ay matagal nang wala? Paano s'ya makakawala sa bangungot ng kahapon kung ang kanyang sarili ang kanyang sinisisi sa pagkawala ng babaeng kanyang pinakamamahal? Makakaya n'ya kayang buksan ulit ang kanyang puso para sa panibagong pag-ibig? Note: This is the story of Atlas, a side character from my other story, Ang Manliligaw Kong Engkanto. Samahan n'yo akong muli at sabay nating tuklasin ang mga hiwaga sa mundo ng mga Engkanto.