12 capítulos Concluído Hindi alam ni Luna Alcantara kung paano nagkaroon ng isang nilalang--maitim, may mahahabang kamay, at may kahindik-hindik na hitsura ng pagngiti--ang nagtatangkang tumapos sa kaniyang buhay habang siya ay sinasakal. Simpleng tao lamang siya--ulila at halos walang bilang na kaibigan, kung kaya't hindi niya lubos maisip kung bakit ito nangyayari. Ngunit nang may isang lalaki ang nagligtas sa kaniya, mula sa pagkakasakal, sa pamamagitan ng isang malakas na suntok, nagsimulang magbago ang takbo ng kaniyang buhay.
Iniligtas siya ni Nathan Alvarez--na nagpakilala sa kaniya bilang si Handiong; ang mandirigmang parte ng epikong Ibalon. Sa araw na tumakas sila sa paaralan, papunta sa loob ng nangangalit na Bulkang Mayon, doon nalaman ni Luna kung bakit siya tinatangkang patayin ng mga halimaw; dahil siya si Haliya, ang diwata ng ika-pitong buwan, at habol-habol siya ng nilalang na isinumpang kakainin ang lahat ng kaniyang katulad--si Bakunawa.