









Ipinasya ni Karina na mangibang-bansa upang mapaghilom ang sugatan niyang puso. Sa bansang pinuntahan, nakatakda yata na makilala niya roon si Lloyd Alegre, ang binatang antipatiko, suplado at galit yata sa lahat ng kalahi ni Eba. Siyempre pay hindi exempted ang beauty niya lalo pa't sa unang paghaharap nila ay nakalmot niya nang hindi sinasadya ang mukha nito dahil sa isang kakatwang insidente. At kasunod niyon ay ang marami pang pagkakataong nagtatagpo ang landas nila't nagtatapos naman sa palpak na sitwasyon. Gayumpaman, hindi niya napigil ang saniling mahulog sa malakas na karisma ni Llyod. Nakatakda nga ba siyang ma-brokenhearted for the second time around..?
More details