Nananahimik siyang nagtatrabaho sa Canada as an architect when he received a letter from the Philippines, a copy of his Lola's Last Will and Testament. Ubod naman kasi ito ng yaman at ang Mama niya ang nag-iisang anak, so obviously, sa Mama niya lahat mapupunta ang kayamanan, ang problema, may isang weird na kondisyon ang Lola niya.
HE should get married!
Tama bang pati siya ay madamay sa trip nito bago mamatay? Eh siya lang naman ang paborito nitong apo. Makukuha lamang raw ng Mama niya ang lahat ng mamanahin nito kung mag-aasawa siya. Wala namang problema sana di ba? Kaso, kailangan niyang mag-asawa within a month! kailangan niyang mag-asawa ng BABAE, isang mujer!
At may isa pang napakalaking problema, kailangan nilang magkaanak within a year.
Nakalimutan kong sabihing si Elvin, hindi babae ang gusto. Isa siyang lalaki na gusto ang kapwa lalaki.
Ang gulo ba?
PEro paano kung ang isang Beki ay main-love ng tuluyan sa isang babae? Paano kaya ang sitwasyon When a Beki Falls In-love!
Posted: April 27, 2014
End:
Nung teenager ka, at wala kang lovelife, ang motto mo nun ay sinusulat pa ni Lord ang perpektong love story mo. Alam mong niri-reserve ni Lord ang the best na lalaking gwapo at may abs para sa'yo.
Nung nasa 20's ka at wala ka pa ring lovelife, medyo naghihintay ka pa rin, pero medyo nagrereklamo ka na. Pero feeling mo ay niri-reserve pa rin sa'yo ang isang lalaking gwapo at may abs.
Nung malapit ka ng mag-30, pinagmamadali mo na si Lord na tapusin ang istorya mo. At kahit medyo gwapo basta mayaman, pwede na.
Kapag tumungtong ka na sa 30's at wala ka pa ring lovelife, aba magdasal ka na. Baka naubusan ka na ng lalaki, kaya kahit pangit or DOM, pwede na.
Pero sinong mag-aakala na makakatagpo pa pala siya ng isang lalaking magmamahal ng tunay at wagas sa kanya? (naks!) At eto pa, lalaking gwapo at may abs. O 'di ba? Feeling worth the wait lang?