Darating yong araw na may: Isang tao na magiging dahilan kung bakit babaguhin mo yong sarili mo... Isang tao na magpapaintindi sayo kung anong saya meron ang mundo... Isang tao na dadamayan ka kahit na anong pagdaanan mo, saya man o lungkot... Isang tao na magmamahal sayo ng walang halong kasinungalingan... Isang tao na pahahalagahan at rerespetuhin kung sino ka... Isang tao na mangangako sayo na hindi ka iiwanan... Pero papaano kung isang araw yong isang taong laging nandyan para sayo mawala rin nang dahil sayo... Kakayanin mo pa bang mabuhay kung siya lang ang dahilan kung bakit ka pa nabubuhay? Kakayanin mo pa bang maging masaya kung wala na yong dahilan mo para sumaya? Kakayanin mo pa bang lumaban kung wala na yong taong pinaglalaban mo? Gugustuhin mo pa bang mabuhay kung isang araw malalaman mo nalang na lahat pala ng ginagawa niya para sa iyo ay isang hamak na palabas lamang. May rason pa ba para paniwalaan yong isang pangako lalo na kung pagod ka ng umasa at pagod ka ng makarinig ng kasinungalingan. Maniniwala ka pa din ba sa kanya?