Hanggang ngayon, marami pa rin naniniwala sa konsepto ng tadhana - na may isang taong nakalaan sayo, na kahit anumang gawin mo o kahit gaano ka man kalayo ay magtatagpo at magtatagpo pa rin kayo sa takdang panahon, oras at lugar. Pero paano kung ang tanging pumipigil sa inyong pagmamahalan ay ang malakas na pwersa ng tadhana? Hahayaan mo na lamang ba na matapos nito ang inyong pagmamahalan? O makikipagdigmaan ka para sa inaasam-asam mong pagmamahal? Ngunit paano kung nakatali sa tadhanang ito ang buhay niya? Handang ka bang ibuwis ang puso mo upang mabuhay siya?