Buong buhay ko ako ay nag iisa lamang... Naglalakad sa napakalaking mansiyon na tanging ang maririnig lamang ay ang mga yabag ng akin mga paa. Nabuhay ako na para bang ako lamang ang taong namumuhay sa mundo. Pag ako naman ay lumabas ang tanging makikita ko lamang ay mga naglalakihang mga puno. Sa hangganan ng mga punong iyon,ay isang napakalaki at napakatibay na pader na hindi ko alam kung hanggang saan ang mararating nito. Noong bata ako ay wala na akong ginawa kung hindi sanayin ang aking sarili sa pag laban kasama ang mga hindi ko kilalang tao. Lumaki ako na puro pagpatay at pakikipaglaban ang ginagawa ko na para bang napakadali nalang para sa akin ito. At sa hindi malamang dahilan ay isang tanong lamang ang bumabagabag sa aking isipan... "Kailan kaya ako makakaalis sa impyernong ito?..." °°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°° Visit La Mia Vita on facebook #LMV