Twenty-five years old si Abbie nang siya ay nasa fourth year niya sa med school. Kung tutuusin ay konting kembot na lang ay magiging isa na siyang ganap na doktor. Sa unang araw ng kanyang clerkship ay nakilala niya si Henri, med student na ka-block niya pero never niya pang nakasalamuha sa tatlong taon niya sa Fakultad ng Medisina sa Unibersidad ng San Ildefonso.