"Kahit kailan hindi ko binalak na magkaroon ng anak sayo" Bungad na chat niya sa'kin sa messenger, agad na naginit ang ulo ko at nireplayan ang sinabi niya
"akala mo ba binalak ko rin? Hindi ko pinangarap o binalak na mabuntis mo ko at magkaroonng anak na ikaw ang ama!! " sa sobrang galit ko ay napaluha nalang ako sa nangyari saming dalawa.
bakit ba nangyayari to sakin? ano bang nagawa kong mali sa past life ko at ganito sinusukli sakin? Tangina tadhana? laruan mo ba ko? pagod na pagod na ko.
"alam mo, toxic na talaga kasi ng relasyon niyo pero pinagpatuloy mo parin. pinatagal mo pa kaya ayan, Sana hindi mo nalang siya hinabol habol kasi naiisip niya na hindi mo kayng mawala siya na kahit anong pangiiwan niya sayo eh hahabol at hahabol ka sa kanya kaya confident siyang iwan ka." bilib talaga ako sa mga taong kahit NBSB eh alam kung paano magaadvice, parang may mas experience pa sila kesa sa mga may karelasyon. pero tama rin naman siya.
"Kala ko kasi worth it kung hindi ko bibitawan dahil paulit ulit rin naman siyang bumabalik sakin"
"Ayun na nga eh. hindi nga siya worth it una palang. childhood friend natin yan at naging kaibigan ko siya. hindi siya nagbago. gusto niya paring palagi siyang tama. pinglalaban niya kahit mali naman. " natahimik nalang ako at nagscroll sa fb ko tulad ng lagi kong ginagawa....
Want to ask me questions? See my behind the scenes? Even see my upcoming story sneak peeks?
Here you can request for a chapter read request as well as critique. There's even something better-talking to me about anything you want!