Story cover for Red Paint by JameSilver
Red Paint
  • WpView
    Reads 187
  • WpVote
    Votes 3
  • WpPart
    Parts 6
  • WpView
    Reads 187
  • WpVote
    Votes 3
  • WpPart
    Parts 6
Ongoing, First published Jul 20, 2018
Mature
Kasalukuyan akong naghahanda para sa aking pag-alis mula dito sa aking dating tahanan. Inaayos ko ang ilang gamit na aking dadalhin. Hindi ko naman balak na bitbitin lahat pero, yung mga mahahalaga lang saken ang kukunin ko kagaya nang ilang gamit na nauukol sa sining katulad ng mga paint tube, ilang set ng paint brush at mga blankong canvas. Dadalhin ko rin yung ilan sa mga damit ko at kaunting memorabilia. Kailangan ko nang maisaayos lahat ng ito bago pa man dumating si mama. Ilang sandali na lang ay darating na iyon upang sunduin ako. Medyo nalulungkot ako pero ito naman kasi ang dapat kong gawin. Wala na akong kailangan pa sa lugar na 'to kaya kailangan ko nang bumalik sa poder ni mama. Ang nakakalungkot lang naman ay yung ideyang iiwan ko na ang tahanang ito na naging kanlungan sa loob ng mahabang panahon. 

Sa matagal kong pamamalagi sa lugar na ito ay marami na akong nakalimutan. Napawi na nito ang lahat ng sakit na dulot ng nakaraan. Muli akong magbabalik sa lugar kung saan nangyari ang lahat. Pero hindi katulad ng dati na hindi ko kaya, ngayon ay babalik ako upang harapin na ang katotohanan. Wala na akong magagawa pa sa mga nangyare. Ang dapat ko na lamang gawin ay tanggapin na natapos na ang lahat. Magpapatuloy na lamang ako sa buhay na dala ang bagong pag-asa. Salamat sa lugar na ito na itinuring kong tahanan sa loob ng limang taon.

Kaunti na lamang at matatapos na ako sa pagsasaayos ng mga gamit na dadalhin ko. Maging ang sarili ko ay inihanda ko na rin. Matagal kaming hindi nagkita ni mama, kaya naman sa muli naming pagkikita ay gusto kong abutan nya ako na maayos at masaya. Malaki ang naging pagkukulang ko sa kanya kaya gagawin ko ang lahat para makabawi sa mga nasayang na panahon. Sya at si kuya na lang rin kasi ang natitira saken. Si papa kasi ay matagal na ring namayapa, gayun din ang nag-iisang taong minahal ko. Si Godfrey.
All Rights Reserved
Sign up to add Red Paint to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Niko & Dom - A Bedspacers Romance (SSPG - COMPLETE) by UnoMaricon
70 parts Complete Mature
Rated SPG. R18+ Mature readers only. Contains Male-Male explicit sex. Nang mahuli ni Niko si Dom sa isang nakakainit-kalamnang sitwasyon, saka niya nabatid na pinagnanasaan din pala siya ng lalaking matagal na niyang gusto. It happens gusto din pala siya ni Dom simula pa nang una silang magkita. Nagsimula lang sa isang casual sexual encounter na nasundan ng nasundan hanggang maramdaman na ng bawat isa na sa kabila ng pagtatalik ay may mas malalim ng dahilan. Pero may mapait na pinagdaanan si Dom sa kaniyang ex-boyfriend samantalang si Niko naman ay imposibleng ipahayag sa publiko ang tunay na pagkataong ilang taon ng itinatago. Kaya ba ni Dom na sumugal kahit masaktang muli? Kaya bang mag-come out ni Niko sa kaniyang mga kakilala, kaibigan at pamılya? Iyon lang ang kailangan nilang gawin para magkaroon sila ng happy ending... *** Ang kwentong ito ay tumatalakay din sa mga problemang kinakaharap ng isang closeted gay. Ang tungkol sa pambu-bully at epekto nito. Ang hirap na dinadanas ng mga baklang hindi tanggap ng kanilang pamilya at tuluyang itinakwil. Tinatalakay din nito ang stages ng coming out as a gay sa komunidad na kahit karamihan ay tanggap ang ikatlong sekswalidad, marami pa rin ang bumabatikos at sinasabing sakit at kasalanan ang pagiging bakla. "I realized I’ve lost a brother because of homophobia, a disease like alcoholism or drug abuse unlike homosexuality which was declared by the American Psychiatric Association in 1973 not a disease." Excerpt, Chapter 20.1
Tears of the Girl Named Sea (COMPLETED) by imunknownperson
32 parts Complete Mature
TEARS OF THE GIRL NAMED SEA "Sigurado kana ba? Wala ng bawian ito anak." Tumango ako pagkatapos ay sinara ang malaking maleta. "Wala po Dad. Salamat sa lahat." "You don't need to say thank you, that's what parents do." Huminga ito ng malalim. "Sandali lang tatawagin ko ang Mommy mo para matulungan ka sa pagiimpake." Dumating ang araw ng pagalis ko, malungkot akong nagpaalam sa magulang ko. Napagdesisyunan kong hindi gamitin ang ebidensiya at hayaan na ang hukuman ang humusga. Hindi na rin ako nakaattend ng huling hearing dahil tumapat ito sa flight ko. ---------- "Ma'am you want coffee?" Napabalik ako sa kasalukuyan ng magtanong ang flight attendant. "No, thank you." Sagot ko. Napasandal ako sa kinauupuan at napakagat sa labi ng maalala ang naging desisyon ko. Pinagisipan ko itong mabuti, inaral ko ang posibleng epekto nang magiging desisyon ko. At dun nga pumasok sa isip ko na itigil ito. Ang dami nang nadamay, nasaktan dahil sa galit ko. Iba talaga kapag galit ka, wala kang makialam kung sino ang matamaan, hindi ko man lang naisip na may pamilya silang walang kinalaman ngunit nasasaktan. Ayoko nang baguhin ang buhay nila dahil sa pagkakamali na matagal na nilang pinagsisihan. Hindi ako Diyos para magpasya sa kaparusahan nila, kung Diyos nga nagpapatawad paano pa kaya ako. Masaya akong nakilala sila, lalo na si Lucas binago niya ang buhay ko. Marami siyang tinuro sakin, siguro kung hindi ko siya nakilala nandun parin ako sa point na hinahanap ang sarili ko. He became my life, my everything. I loved him so f*cking much at umaasa akong magkikita ulit kami pagdating ng panahon. Kung hindi man... mananatili siyang parte ng nakaraan ko na hinding hindi ko makakalimutan. ⚠WARNING: PLAGIARISM IS A CRIME
STRAIGHT by joemarancheta123
5 parts Complete Mature
Ako si James. Lumaki ako sa isang istriktong pamilya. Naikintal sa bubot kong isip ang tama sa mali, ang katanggap-tanggap at bawal at ang pagkutya sa pagkatao ng mga lumilihis sa ating totoong pagkasino. Sa madali't salita, hindi ako nakikisama sa mga bakla at nandidiri akong mailapat ang kahit anong bahagi ng katawan ko sa kanila. Nagbinata akong taglay ang pagkataong iyon. Straight ako. Nagkaasawa at nagkaanak... malayong papatol ako sa mga salot sa buhay ko. Hindi ako manhid lalong hindi din ako tanga. Puno ako ng katanungan at pagtataka. Kakaiba ang trato sa akin ni Xian, hindi yung karaniwang kaibigan lang. Sa kaniya ko naramdaman ang pag-aasikaso at pagmamahal na kahit kailan ay ipinagkait ng aking asawa. Iba ang kaniyang titig sa aking katawan kapag wala akong damit. Napapansin ko din ang lagkit ng kaniyang tingin sa aking harapan ngunit lahat ng paghihinalang iyon ay nanatiling palaisipan lang sa akin. Ngunit sakali mang may gagawin siyang hindi ko magustuhan ay doon na lamang siguro ako tuluyang sasabog. Kahit gaano pa siya kabait sa akin ay isang panlolokong maituturing kung tuluyan siyang bibigay. Basta ang sa akin, barakada ay barkada. Iyon lang ang alam kong kaya kong maibigay. Isa pa, dahil sa kabaklaan namatay si Mama na siyang naging dahilan ng pagkawasak ng aking pamilya. Huwag naman sanang pati ang matalik kong kaibigan ay magiging katulad ni kuya dahil alam kong magiging masalimuot lang ang buhay naming dalawa. NOTE: Read Everything I Have, Chakka at Nang Lumuhod si Father bago ito basahin dahil ang mga naunang nabanggit na nobela ay book 1, 2 and 3 ng nobelang ito.- Joemar Ancheta
The Uncertain Life of Ronnie ( Book 1 ) by Terry_Fide
61 parts Complete
Book 1 Hindi ko alintana ang malakas na pagbuhos ng ulan at malamig na hangin dala na siguro ng kaba kaya hindi ko na ito maramdaman pa. Kanina pa ako tumatakbo dahil sa may humahabol sa akin ang mga tauhan ng taong pumatay sa aking mga magulang. Hindi ko na ininda pa ang pagod basta makatakas lang ako sa mga taong iyon. '' Bang, Bang, Bang... '' Tatlong magkakasunod na putok ng baril ang narinig ko. Alam kong malapit lang sila sa akin kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo kahit sobrang sakit na ng katawan ko. I need to escape from those mens dahil kailangan kong makapaghiganti sa kanila. Hindi ko namalayan dahil sa lalim ng iniisip ko nakarating na pala ako sa isang kalsada. It's not really familiar sa akin ang lugar na ito kaya dahan dahan akong naglakad dahil baka maabutan pa ako ng mga taong humahabol sa akin. Habang binabagtas ang kahabaan Ng kalsada bigla nalang sumagi sa aking isipan ang pangyayaring kailan man hindi ko makakalimutan. Napahagulgol nalang ako dahil sa galit at sakit na aking nararamdaman ngayon habang iyak Lang ako ng iyak may naaaninag akong ilaw sa di kalayuan. Dali dali akong naglakad papunta doon upang humingi ng tulong. Pero naisip ko na huwag na lang baka sabihin lang nila isa akong baliw Lalo na ngayon sa ayos Kong Ito. Isa pa lang truck ang naabutan ko. Dahan dahan naman akong umakyat sa truck para makapagtago. " Bahala na Kung san ako dalhin ng truck na to ang mahalaga mailayo ko ang aking sarili sa Kanila. " Sambit ko sa aking sarili. Wala na akong magagawa kailangan kong makalayo sa lugar na ito lalo nat hahanapin ako ng mga Ronchuelo. I am so lucky na napunta ako sa truck na ito dahil puro prutas ang karga nito. Hindi ko na inintindi pa ang mga tao sa harapan at Dali daling kumuha ng saging para makakain na dahil gutom na gutom na ako.
You may also like
Slide 1 of 10
𝐓𝐄𝐋𝐋 𝐓𝐇𝐄 𝐖𝐎𝐑𝐋𝐃 𝐈 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐘𝐎𝐔 (Tagalog) cover
Niko & Dom - A Bedspacers Romance (SSPG - COMPLETE) cover
THE MOST PAINFUL REGRET cover
Tears of the Girl Named Sea (COMPLETED) cover
STRAIGHT cover
The Uncertain Life of Ronnie ( Book 1 ) cover
BEYOND HIS CANVAS cover
Pawis at Katas (A Trilogy) cover
When Love Did Its All Duties (COMPLETED) cover
Uncontrolled Love❤ cover

𝐓𝐄𝐋𝐋 𝐓𝐇𝐄 𝐖𝐎𝐑𝐋𝐃 𝐈 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐘𝐎𝐔 (Tagalog)

71 parts Complete Mature

Hi mga readers 😊😊 gusto ko lamang pong ipaalam sainyo na hindi po ako isang batikan na manunulat . isa lamang po akong baguhan at ito ay ang unang kwentong aking ginawa , nainspired lamang ako sa dalawang actors kaya ko po naisipang gawan sila ng kwento . ang kwento pong ito'y kathang isip ko lamang , kaya kong meron man pong pagkakahalintulad sa mga nabasa nyong kwento ako'y humihingi na ng pasinsya . hindi ko po intonsyon na magibg kagaya ng ibang kwanto ang aking gawa . sana po ay inyong tangkilikin ang kwentong ito . maraming salamat po at sana'y mag enjoy kayo sa pag babasa . khap khun 🙏 ( thank you) Author nyung Vakla🙈 @Pglenn92