Sa eskwelahan, nagsisimula ang lahat.
Sa eskwelahan natin natututuhan ang lahat ng mga bagay bagay. Mga kaalamang pangkasaysayan at pangkalokohan. Ang lesson sa math, science, history, economics, filipino, at P.E. At syempre, ang mga tunay na lesson sa buhay. Ang magkaroon ng kaibigan, sa kapwa estudyante at sa mga teacher. Ang magka-crush sa kapwa estudyante man o sa teacher.
Malaki ang naging impluwensiya ng eskwelahan sa kung anong buhay at pagkatao ang meron ako ngayon. Kung bakit? Ikukwento ko.
Let's travel sa panahong ako ay bata at patpatin pa. Sa panahong estudyante pa 'ko. Sa lugar kung saan ako nag-high school.
"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said.
"Then what do you want?" he said confused.
"I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."