INTRAMUROS SA IKA LABING-SIYAM NA SIGLO. Maganda at gustong-gusto niya ang Intramuros. Ang makaluma at makasaysayang lugar na pinagsimulan ng lahat at isa sa pook kung saan nabuo ang pagkakakilanlan ng Las Islas Filipinas. Para sa kanya ay isang panaginip at pangarap ang makabalik sa panahon na ito. Pangarap na sa isang milyong dalangin ay hindi mangyayari. Ngunit paano kung ang isang milyong panalangin ay hindi na kakailanganin upang tuparin ang itinakda. Itinakdang magkikita at magkakilala kayo ng taong mamahalin mo hanggang sa susunod na habang buhay. At ang mga taong itinakdang makilala at magbigay buhay hindi lamang sa pangarap mo kundi sa takbo ng buhay mo. Nanaisin mo pa ba ang lumabas sa tagpong ito kung lahat ng gusto mo ay nakuha mo? "Cristina Regina del Vicenzia-Clavería, hanggang sa pagtanda at paglipas ng panahon ay may ikaw lamang at ako." "Juan Carlo Clavería, malugod kitang tinatanggap bilang aking asawa. Mula ngayon hanggang sa huling sandali ng ating mga taong magkasama." To all the pictures I am using, credits to the rightful owners. No copyright intended! Thank you for understanding! ❤️ May Highest Ranks Agad Tayo!! Top 7: 19thCentury Top 14: Historical Top 3: hisfic Top 2 and 3: Intramuros As of 04-07-19 Top 1: Intramuros