Isang huling Tag araw para sa Pagkakaibigan ... Isang huling Tag araw para masabi ang nararamdaman ... Sabi nga ng iba, may bahaghari pagkatapos ng ulan ngunit sa sitwasyon nila Rafael tila ba baliktad ang kaganapang iyon. Isang unos pala ang dadating sa kanilang pagkakaibigan pagkatapos ng isang tila payapang papawirin, ang di nila inaasahan mangyari. Kayo ba minsan nang nawalan ng isang kaibigan o isang minamahal sa buhay na di nyo alam na iyon na pala ang huling panahon na makakasama mo siya.? O kaya naman may di ka nasabi sa kanya na di man lang nabigyan ng pagkakataong masabi.? Kung sakali nga ganun pwes ito na siguro ang pagkakataon upang sabihin mo ito sa kanya bago pa man maging huli ang lahat ....All Rights Reserved