[PinkGumStories2014] Ang mundo ay misteryoso. Kung akala mo'y nakita mo na o alam mo na.. nagkakamali ka. Madami pang bagay sa mundo ang nanatiling tago. Paano kung nalaman mong hindi lang pala tayo ang nabubuhay dito sa mundo? Paano kung ang inakala mong mga kathang isip lamang ay totoo? Tulad na lamang ng bampira. Matatakot ka ba? At higit sa lahat, mananatili ka bang lumalaban sa kanila kahit alam mong sa umpisa pa lang ay talo ka na at wala ka ng magagawa? "Luna," tinignan ko ang mapupulang mga mata niya na nakatitig sakin. "Hanggang kailan ka magtatago? Hanggang kailan ka iiwas? Hanggang kailan mo tatakbuhan ang kapalaran mo? Hindi ka nararapat dito. Saakin ka. Pag mamayari na kita noon pa man. Wag na wag mong susubukan makipagtalo sa tadhana, Luna. Hindi mo alam kung anu-ano ang pwedeng mangyari," matalim niya akong tinignan. "Sumama ka na saakin Luna," Sasama ka ba para lang sa buhay ng iba? Kaya mo bang isakripisyo ang kasiyahan mo para lang sa kapakanan ng iba? Tatanggapin mo nalang ba ang mapait mong kapalaran? O mananatili ka parin lumalaban? Copyright © 2014 by PinkGum02
11 parts