"Anong feeling kapag may boyfriend kang jeepney driver?", yan ang palaging tanong sa akin ng mga tao. Ang masasabi ko lang sa kanila --- "Sobrang saya. Hindi buo ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita. Yung tipong siya ang inspirasyon mo sa lahat. Napakagaan niya sa loob. Pakiramdam ko, ligtas ako kapag siya ang kasama ko. Parang ... wow. This is the real world." --- Pero nagbago ang lahat dahil sa nalaman ko na katotohanan. Masama bang mahalin siya kahit alam kong bawal na? Mali bang mahalin ko pa rin siya kahit alam kong masakit na? --- kung mali itong ginagawa ko, bakit ako masaya?. Ako si Khemper Asher. Ikaw, anong gagawin mo kapag nalaman mong mabigat na kasinungalingan ang itinago niya sayo?