Once upon a time... May isang lugar sa gitna ng gubat, tago sa mga tao, hayop, atbp. Ang mga tao or should i say mga "magic users" doon ay takot, hindi takot na mamatay, kundi takot na madiskubre . Lalo na't laganap ang pag patay sa mga taong hindi pangkaraniwan o may disability nung panahon na ito... Sandali? Disability ba kamo? O Ability? Ability na makalipad? Ability na makapagpagaling? Pak! Kabog ang X-men niyo! Sa lugar na ito'y namumuhay ang mga mages, wizards, magisters, elves, were wolves, ordinary human with 300+ IQ,, at marami pang iba. Pero sa isang pagkakamali. May nakadiskubre sa lihim nila.. isang lalaki.. isang lalaki na sisira sa mundo nila.. isang lalaking mortal na papatay sa kanila.. isang lalaki na iibig sa isang lalaki rin..(CHAR) isang lalaki na iibig sa isang babae.. babaeng walang pakealam aa mundo.. babaeng galit sa mga mortal.. babaeng nakatakda namang sisira sa mundo ng mga mortal.. Sa tingin niyo? Kapag may nabuo bang pagmamahalan, hindi masisira ang dalawang mundo? Kapag ba sila ay nagmahalan.. hindi na matutuloy ang patayan? Tutungo ba ito sa kasalan? O sa pagkawala ng dalawang mundong kanilang pinagmulan? Pagpapatuloy ko pa ba ang pagiiwan ng tanong sa iyong isipan? O itutuloy ko ang istoryang pinamagatang... The Magister's Order...