Gisingin Mo Ako (Bago Magunaw Ang Mundo) -COMPLETED
54 de părți În curs de desfăşurare Akala namin, paglaya ang sagot sa lahat.
Akala namin, matapos ang rebolusyon, magiging maayos ang lahat.
Akala namin, mas mabuti ang mundo kung wala na ang kamay na bakal ng diktadura at ang malupit na pamumuno.
Nagkamali kami.
Sa pagbagsak ng gobyerno, lumaya nga kami pero hindi sa paraang inaasahan namin. Hindi kalayaan ang dumating, kundi kaguluhan. Ang mga dating Sundalo at Cybot na tagapagpatupad ng batas ay naglaho, ngunit sa kanilang pagkawala, nagsulputan ang mga bagong hari ng lansangan. Mga tulisan. Mga pinuno ng sariling batas. At kaming mga taong wala nang matakbuhan ay naging biktima ng panibagong sistemang hindi namin naisip na darating.
Sa gitna ng gulo, sino ang paniniwalaan mo?
Sa mundong walang hustisya, paano mo ipaglalaban ang tama?
At paano kung sa huli, ang kalaban ay hindi ang gobyerno. Kundi ang mga taong minsan mong pinagkatiwalaan?
Kung ito man ay panaginip, gusto ko nang magising.
Pero paano kung ito na ang realidad?
Nagpapasalamat ako dahil hanggang sa dulo nariyan ang Diyos kasama ko.
-cas