"Eto na ang huli"
  • Reads 96
  • Votes 2
  • Parts 1
  • Reads 96
  • Votes 2
  • Parts 1
Complete, First published Jul 24, 2018
Eto na ang huli
Na gagawa ako ng tula
Eto na ang huli
Na ikaw ang paksa
Eto na ang huli
Na mamahalin ka
Dahil pinipili ko ang magpaalam na
Pagod na rin akong ipilit pa,
Na baka pwedeng ito'y maayos pa
Kailangan ko na rin sigurong tanggapin
Na pinagpalit mo na'ko sa kanya
Kaya sisiguraduhin ko
Kung eto na ang huli
Di na to mauulit muli
Tatanggapin ko
Na pinili mong itapon ang tatlong taon
Para sa lalaking halos nakilala mo lang kahapon
Halos kahapon lang
Pero nagawa mo agad akong bitawan,
Tatanggapin ko
Na sya na at hindi na ako
Sya na ang magiging kahawak-kamay mo
Dahil binitawan mo na ako
Tataggapin ko na hanggang dito nalang to
Dahil nagsimula na ang istorya niyo
Pero sana sa pagtanggap ko
H'wag ka magsisi sa bago mo
Dahil balita ko
Batikang manloloko yang pinili mo
Kwento pa nga nila,
Habit niyan ang magkolekta,
Masakit man sa'kin
Na ang itinuring kong prinsesa
Ay pipiliin ang katulad niya
Ilang ulit kong tinangkang bawiin ka,
Pero tinaboy mo lang ako sa harap niya
Siguro nga, may pagkukulang lang ako
At sakanya mo yun nakita
Pero sana
Hindi ka nagkamali
Sana naging tama ka
Na pinili mo sya
Kung mangyari man yun
Mga sakit at hapdi'y titiisin ko
Dahil alam kong napunta ang prinsesa ko sa tamang tao
Tatanggapin ko na mahal
Na sa susunod na gagawin kong tula
Ay hindi na tungkol sayo
Dahil eto na ang huli
Na hahabulin ka,
Pagkat alam kong sa kanya ka pa rin sasama
Eto na ang huli
Na aalayan ka
Kaya mahal
Paalam na
Alam ko namang masaya ka na
Sinimulan ko ng tanggapin
Na wala na nga
Eto na ang huling beses na sasabihin ko 'to
"I Love You"
Pero ngayon mas mahal mo na sya
Kaya pinipili ko nalang
Na panuorin ang inyong istorya
Kahit sobrang sakit sakin na makitang mas masaya ka sa kanya
Tataggapin ko na hindi ko na magagawang hawakan ang palad mo
At hindi ko na mahahagkan ang matamis na yakap mo
Masakit man mahal,
Pero "Mag-enjoy sana kayo ng bago mo"
All Rights Reserved
Table of contents
Sign up to add quot;Eto na ang huliquot; to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 10
SPOKEN POETRY - Tagalog cover
143 Poems for Her cover
Isangdaang Tula na Hindi Makalaya cover
SPOKEN WORDS ( Tagalog ) cover
Tagalog Spoken Poetry (Collection) cover
Escaping Reality cover
Haiku cover
The Billionaire's Daughter [ProfxStud • GxG] cover
Spoken Poetry (Tagalog) cover
Down the Rabbit Hole cover

SPOKEN POETRY - Tagalog

45 parts Ongoing

❝Mga letrang pinagsama, Mga salitang nabuo, Pag ito'y ipinagsama? Makakabuo ng pangungusap na sa puso mo'y tatatak❞ -Peachy_xxie