Lahat ginagalang, hinahangaan at kinaiinggitan ako mapabata man o matanda, mapamayaman man o mahirap, buong mundo kilala ako, lahat ng galaw ko mapasegundo man o oras binabantayan, sino nga ba ako? ako lang naman ang CROWN PRINCE ng Pilipinas in other words ang papalit sa Hari sa tamang panahon.
Ako ang tipo ng babae na nakukuha ang lahat, wala na kong mahihiling pa. Pero hindi ko inaasahan isang araw bigla nalang mapupuno ang isip ko ng puro sana.
Sana hindi na ko natakot
Sana tumigil nalang ang oras
Sana mawala na ang sakit
Sana hindi na kita iniwan...