(UNDER REVISION) Hater to Lover? Pasong-paso na ang kataga na 'yan sa mundo ng Wattpad, subalit pilit pa ring binabalikan ng mga mambabasa dahil sa hatid na kilig at walang-kupas na thrill na dala ng mga istoryang may ganitong tema. Marahil ay nakabasa ka na rin ng kwento tungkol sa sardinas at isang babae na makakatagpo ng apat na lalake at aawayin nila ito hanggang sa ang isa ay mahulog sa kanila. Huwag niyong pansinin ang sardinas diyan, ulam namin kanina 'yan. "The More You Hate, The More You Love." Ang simpleng kasabihang 'yan ba ay totoo o kathang-isip lang? Mapapatunayan ba ng kwentong ito na pwede mong mahalin ang isang tao kahit siya ang mortal enemy mo? Samu't saring opinyon at iba't ibang pananaw, subalit ang tanging masasabi ko lang ay expect the unexpected. Traidor si Kupido, hindi mo alam kung kanino niya itututok ang pana at kailan niya ititira ito. Halika't samahan mo akong tunghayan at subaybayan ang buhay ni Yaminah Ava Huxley. Ang babaeng magkakaroon ng magulong pero masayang mundo. Sabay-sabay tayong umiyak, tumawa, magalit, at ma-inlove. ... The picture I use for cover photo is not mine, so credit to rightfully owner. If you own the picture and don't want me to use it, please message me right away. Thank you!