Museo Ng Manunulat
  • Reads 953
  • Votes 90
  • Parts 20
  • Reads 953
  • Votes 90
  • Parts 20
Ongoing, First published Jul 25, 2018
Alam mo na ba ang patakaran sa loob ng museo? 

Hindi? 

Bago ka lang sa Museo ng Manunulat?

Ah. 

Ganun ba? 

Sige, makinig kang mabuti.

Maligayang pagpasok sa Museo ng Manunulat.

Mag-log-in na lang sa desk sa harap 

(Pumasok ka sa buhay niya. Nagpakilala. Ngumiti. Nakasulat ka na sa tala ng alaala.)

Pagkatapos, iwanan mo 'yung bag mo sa kabila.

(Sapagkat lahat ng bigat sa katawan ay ang siyang humihila sa atin pababa. Hindi tayo takot sa mataas, takot tayo sa pagkahulog.)

Huwag mong iwanan ang mga mahahalagang bagay.

(Dumating ang ulan. Nagsulat ng liwanag. Inilabas ang tambol. Kumapit sa kamay. Walang i...)

Maaari kang kumuha ng litrato, ngunit bawal kang kumuha nang may flash.

(...law sa daan. Walang liwanag sa mata. Walang luhang nakikita. Nasasaktan. Walang makitang pupuntahan.) 

Bawal hawakan ang peynting at 'statwa.

(Matitisod sa kawalan. Kamay' lalapag sa kadiliman. Magtanong kung nasaan. Nawawala na sa katauhan.)

At higit sa lahat:

(Maniwala na kung saan naroon ang liwanag ay iyon rin ang palabas Tandaan na ang 'Exit' ay berde dahil ito ang palabas ng buhay.)

Sapagkat ganito natin gustong alalahanin ang lahat. 

Kaya't buksan mo na ang pinto.

(Maligayang pagpasok...)

Note:
Isang beses lamang kada dalawang linggo magbubukas ang pinto. Marahil ay sabado, marahil ay linggo. 
(Kung tunay ang pag-ibig, kahit ang pagbalik ay iyong hihintayin)
All Rights Reserved
Sign up to add Museo Ng Manunulat to your library and receive updates
or
#623poetry
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 10
Ako'y Tutula cover
Tula Para Sa Mga Broken cover
Mga Tula cover
*MALAY MO SA HULI TAYO PA RIN* cover
The Billionaire's Daughter [ProfxStud • GxG] cover
Spoken Word Poetry (TAGALOG) cover
Haiku cover
Mga Tula cover
Para kay Alpas cover
Ang Mga Tula cover

Ako'y Tutula

98 parts Complete

Koleksiyon ng mga tulang bunga ng kalayaan kong magpahayag ng sariling opinyon at damdamin tungkol sa lahat ng nakikita, naririnig, nararamdaman, nalalasahan at naaamoy ko rito sa mundo. Ako'y tutula... -D. Cover by: "Kai" (ang babaeng neutral sa mundong ibabaw) Maraming salamat! :D