Isang kwento tungkol sa isang pamilya na naglaho na lang na parang bula. Walang kahit ni isang makapagsabi kong nasaan sila at kung sino ang nakakaalam kung bakit umalis ba sila sa bahay nila or kinidnap ba. Nagmistulang abandonadong village ang dating masaya at makulay na Arcoiris Village. Kinaiilagan na ito ng mga taga islang naninirahan malapit doon. Paano ba naman kasi ay lahat ng nagtatangkang pumasok sa village na iyon ay hindi na nakakalabas. At kung may makakalabas man, ay isang malaking palaisipan sa mga taga roon na nawawala na sa sariling katinuan ang mga nakakalabas at wala man lang matandaan na pumasok sa naturang village. Ikaw willing ka bang tuklasin ang misteryong bumabalot sa Arcoiris Village? Matutulungan mo ba akong hanapin at ibalik ang mga taong nawawala at dating naninirahan doon? Yallah, sadik (halika na, kaibigan ko) baka ikaw pa ang sagot sa mga katanungan ng mga nagnanais tumuklas sa Arcoiris Village. Date Started: May 8, 2020 Date Completed: May 18, 2021 Genre: Mystery/ Adventure (subgenre: horror) Book Cover: @cryszabellaine