Ang pag-ibig hindi minamadali, ang pag-ibig ay matiyagang hinihintay. Ang pag-ibig hindi madali, kaya dapat na paghirapan. Ang pag-ibig ay hindi basta-basta, kailangan ng maraming sakripisyo. Ngunit hanggang kailan nga ba tayo maghihintay? Hanggang saan ang kaya nating gawin para sa pag-ibig? Kung ang tadhana na siyang naglapit sainyo ay siya ring maghihiwalay sa inyo. Kakayanin mo pa bang magtiis? Kakayanin mo pa bang magmahal ng tapat? Ito ang kwento ni Zephaniah "ANYA" Megon na isang hopeless romantic, at handang gawin ang lahat para sa pag-ibig.