Minsan na silang nawala sa mundong kinabibilangan nila. Mga pagsubok na kinakailangan nilang harapin, nagkaroon ng mga kaibigan, nagtiwala ngunit sila ay niloko lamang. Dahil sa nangyari, maraming nagbago. Ang pagkakaibigan nila ay nagkaroon na ng lamat. Pero, maibabalik pa kaya ang dati nilang pagkakaibigan? Mga panibagong mangyayari at may mga sikreto na mabubunyag. May pagsubok na naman silang haharapin. Kakayanin kaya nila? At sa pagkakataong ito, masasabi na ba ang tunay nilang nararamdaman?