44 parts Complete MatureKapag puso ang kalaban, wala nang fair play.
Si Autumn Harile Santiago ay kilala bilang matalino, palaban, at bihasa sa kahit anong kompetisyon. Sa kanya, bawal ang pagkakamalilalo na pagdating sa reputasyon at pangarap. Pero dumating si Elijah Niel Enriquez, ang tahimik ngunit mapanuksong transferee na tila may dalang unos sa maayos niyang mundo.
May charm si Elijah na hindi matanggihan, pero may misteryo rin siyang hindi matiyak. At sa bawat tingin, biro, at sagot niya, unti-unting nawawala sa focus si Autumn. Ang dating laro ng talino at tapang, napalitan ng laban ng damdamin na walang tiyak na panalo.
Habang lumalalim ang koneksyon nila, mas maraming lihim ang nabubunyag. At sa larong ito, ang foul ay hindi lang sa galaw pati na rin sa puso.
Sa huli, pag-ibig nga ba ang talo o siya ang tunay na panalo?